المدة الزمنية 6:42

AMA. Iba’t Ibang Kwento

بواسطة Daisy & Donna
271 مشاهدة
0
65
تم نشره في 2021/06/20

Ama. Iba’t ibang Kwento. Si Juan Napagalitan ng boss sa trabaho Napahiya sa harapan ng mga kabaro Tinanggap ang mga salita, inilabas sa kabila. Kailangang maging kalmado para okay siya pag-uwi sa kanyang pamilya Lalo na’t nakaabang ang mga anak, naghihintay ng aginaldo mula sa kanya. — Si Peter. Batang Ama, nakabuntis kahit wala pang diploma Nangakong pananagutan ang mag-ina kahit tutol ang pamilya Hindi nakapagtapos, inuna ang maghanap ng trabaho para may pangkain sa minamahal at unica hijo. — Si Ben. Tahimik lang pero istrikto Kapag ginalit mo, gugustuhin mong magtago Pero kapag nasaktan ang anak Kahit sino ka pa, mananagot ang nagkasala, mangingig sa sindak kahit kontodo pa ang iyak — Si Roger. Nagkamali na noon, nasaktan ang pamilya sa isang pagkakamali na nauwi sa isa pang babae. Nagsisi, nagmakaawa, lumuhod sa harap ng pamilya ng asawa. Nangakong hindi na uulit kay misis at habang-buhay na babawi. At para sa mga anak, itutuwid ang pagkakamali — Si Jack. Hindi kadugo ang tinuturing na anak. Niyakap ng buo, pinalaki ng mabuti Nagsikap hanggang mapagtapos ito Walang makakapagsabi na hindi siya ang ama nang batang iniwan sa kanya ng dating asawa. — Si Lolo. Pinalaki ang apo. At kahit masakit ang mga buto, todo kayod pa din ito. Kahit magsakit, hindi iindahin, maaga pa ding gigising para asikasuhin ang aanihin. — Si Mark. Walang anak. Pero inako ang maraming gastusin ng mga pamangkin Lumaking tuwid ang tangi niya lang hiling sa nga minamahal at sinusubaybayang mga pamangkin. — Si Flor Misis ang may trabaho kaya madalas asarin ng mga ususero Minamaliit ang kanyang pagkatao. Pati misis sinisiraan, kung anu-anong iniembento Pero alam niya ang totoo at ang tunay na sakripisyo nang dalawang taong hinarap ang hamon ng buhay nang walang pagrereklamo. Nang mag-asawang magkatuwang sa pagtaguyod ng pamilya Hindi siya walang kwenta dahil lang sa hindi siya ang kumikita dahil alam niyang hindi rin biro at hindi matatawaran ang pagpapalaki ng mga supling mo. — Si Jose. Mahal na mahal ang asawa at kasama mga anak, sila ang sentro ng buhay niya Ang “Yes Man” ng kanyang pamilya Sa saya nila sinisiraan siya Minsan apektado siya dahil napapaniwala na siya ay under de saya Pero isang tingin lang niya sa masasayang mukha ng pamilya Panalo na lang feeling niya ano ngayon kung under de saya o kung ano pa ang sabihin ng iba hindi naman sila kasing saya tulad niya at ng pamilya niya — Si Ador. Hindi siya eksperto sa pagpapalaki ng unica hija Hindi siya yung napapanood mo sa drama na seryoso at matalinghaga ang mga payo Pero siya ang nagpapatawa sa dalaga kung may problema Minsan ginugulat pa ang anak kapag dumarating galing eskwela Kontento na siyang taga-laba, taga-luto at taga-linis ng bahay makaconcentrate lang ang honor roll na anak sa kanyang pag-aaral Ako na bahala sa anak natin, ang sabi niya sa OFW na misis Nagbunga naman ito kaya proud na proud sila ng asawa niya. Laging binibida sa mga kakilala. Pero wala na siya. Maagang pumanaw sa edad na limang pu. Ngunit buhay na buhay namn sa alaala ng kanyang mag-ina. Ang dakilang “taga” sa mata ng iba, pero dakilang AMA sa mata ng pamilya. — Sa LAHAT NG KLASE ng AMA! Mabuhay kayo at salamat sa lahat ng sakripisyo. Maligayang Araw po sa araw ng mga AMA

الفئة

عرض المزيد

تعليقات - 42